top of page
Writer's pictureMoonchild

Pamantasan Kong Mahal?

Bakit nga ba nasa PLM ako? bakit hanggang pagtungtong ko ng kolehiyo, PLM parin ako? Maraming katanungan sa utak ko na hindi ko masagot dahil pinipigilan ako ng puso kong humusga at humatol dahil sa hindi makatarungang nangyayari ngayon sa paaralan ko at ayokong humantong sa konklusyon dahil hindi ko alam ang buong istorya at wala ako sa posisyon nilang lahat.


Sa totoo lang, hindi ito ang dream school ko. PUP at UP talaga ang gusto ko pero pinili ko ito para sa ikasasaya ng mga magulang ko. Wala eh, sila ang nagpapa-aral sa akin, kailangan ko parin silang sundin kahit na alam ko na ang kalakaran dito. Nakakasawa man dahil tinaguriang ghost school ito dahil binalot ang eskwelahan ng katahimikan. Wala kang gagawin kung hindi ang mag-aral at mag sumikap lang. Wala sa nature ng eskwelahan na ito na mag-saya. Kaya hindi nakapagtataka na kabilang ito sa mga numero unong mga eskwelahan dahil sa magagaling na estudyante. Kung hindi dahil sa hirap at tsaga ng mga estudyante, wala na sa pagiging numero uno ang paaralang ito.


Nakakapagod, Nakakasawa, at Nakaka walang gana na ang mag-aral kung iisipin mo ang mga implikasyon na nakapalibot sa'yo. Mayroong mga guro na hindi nagtuturo o hindi nagkaklase. Mahigpit ang kalakaran sa eskwelahan. Wala kaming sapat na kalayaan at boses para ipaglaban ang aming mga karapatan bilang iskolar ng bayan at mamamayang pilipino. Masyado na kaming naiipit sa mga nangyayare gayonpaman hindi kami magpapatinag dahil mayroon kaming mga pangarap sa buhay. Kahit anong mangyare, hindi kami magpapatibag. Walang sukuan. Umaraw man o Umulan, kami'y lalaban, walang sukuan.


Sa mga kapwa ko Ka-Isko at Ka-Iska, labang lang! Walang susuko!! Fighting!! Makakapagtapos din tayo.


In Jesus' Name, Amen.

43 views0 comments

Recent Posts

See All

Lazy Eyes

Dear Youniverse, On the night of August 29th, I was taking a break from a notably intensive cleaning of our living room and kitchen....

Commentaires


Post: Blog2_Post
bottom of page